TRO vs impeachment ni VP Sara, inihain ng maraming abogado
MANILA, Philippines — Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang maraming abogado na humahamon sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte sa Kamara.
Sa 34 pahinang petisyon, hiniling ng mga petitioner na sina Hue Jyro Go, Micah De Guzman, at Jake Leoncini ang SC na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) at/o writ of preliminary injunction para pigilan at ikonsidera ang ikatlo at ikaapat na impeachment complaints, kabilang ang paglalabas ng mga subpoena.
Hinimok din nila ang korte na pigilan at isantabi ang mga finding, acts, rulings, at direktiba ng Kamara na may kaugnayan sa impeachment complaints kabilang ang pagtukoy sa sufficiency in form at substance at ang pag-iisyu ng mga subpoena.
Iginiit ng mga petitioner na ang paglalabas ng subpoena ay sumasalamin sa hindi tamang paglawak ng kapangyarihan ng Kamara para magsagawa ng impeachment at paglabag din sa Konstitusyon at Impeachment Rules.
Sinabi pa nila na ang paghiling para sa statements of assets, liabilities, and net worth (SALNs) sa loob ng ilang taon ay “patently overbroad, absent any demonstrated link to specific omissions actually alleged in the complaints”.
Ito na ang ikaapat na petisyon na inihain sa SC kaugnay sa impeachment proceedings.
- Latest















