^

Bansa

VP Sara takot sa Senate trial - Chua

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
VP Sara takot sa Senate trial - Chua
Philippine Vice President Sara Duterte speaks in a Davao City meeting, as posted on March 13, 2026.
Inday Sara Duterte via FB

Asan ang ‘bloodbath’?

MANILA, Philippines — Takot umano si Vice President Sara Duterte sa pag­lilitis ng Senado kaya nagpetisyon sa Korte Suprema ang kanyang legal team para harangin at tuluyan nang ipatigil ang proseso ng impeachment.

“This petition only confirms our suspicion from the very beginning that the Vice President is afraid of a full blown trial in the Senate contrary to her claim that she wants bloodbath!,” ani House Committee on Good Go­vernment and Public Accountability Chairman Joel Chua.

Aniya, ang paghahain ng petisyon ng kampo ni VP Sara ay bahagi ng taktika para pabagalin ang proseso bago dumating sa puntong maiprisinta na ang mga ebidensiya at masuri.

Binigyang diin ni Chua na ang proseso ng impeachment ng Kamara ay preliminary o pangunahang hakbang pa lamang upang timbangin ang basehan para madala ang kaso sa Senado na magsisilbing impeachment court.

Inihayag ni Chua na ang paglilitis sa Senado ay magbibigay kay VP Sara ng oportunidad upang harapin ng direkta ang mga alegasyon, iprisinta ang kaniyang depensa at linisin ang kaniyang pangalan kung kaniyang nais.

Aniya, ang mga pagtatangka na harangin ang proseso ay lumilikha ng seryosong mga katanungan hinggil sa tunay na intensiyon ng kampo ni VP Duterte.

Idinagdag pa ni Chua na ang Kamara ay nakapokus sa konstitusyonal nitong mandato upang idetermina ang probable cause at ang proseso ay nakaangkla sa mga ebidensiya at tamang proseso.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with