Palasyo umalma kay Kaufman

MANILA, Philippines — Umalma si Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa naging pahayag ni Nicholas Kaufman na nag-aakusa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginanap na confirmation hearing kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni Castro, may kapal ng mukha si Kaufman para akusahan ang Pangulo na sinusubukan nitong pahinain o burahin ang pamana ni Duterte.
Tila ang defense lawyer aniya ng dating pangulo ang may matinding kapansanan sa pag-iisip at hindi ang kanyang kliyente dahil lubos nitong nalilimutan ang takbo ng mga pangyayari.
Giit pa ni Castro, ang mga kasong crimes against humanity na isinampa sa ICC ay noong 2017 na hindi pa si Marcos Jr. ang presidente.
Pinuna rin niya na hindi nakapaglabas si Kaufman ng malinaw na depensa para sa umano’y mga extrajudicial killings na naganap noong panahon pa ni Duterte.
Tinawag din ni Casro si Kaufman na isang manunulat ng nobela dahil ang mga sinabi nito sa ICC ay isang apela sa emosyon ng mga Pilipino.
Paalala pa nito, mismong ang abogado aniya ni Duterte ang umamin na may isang taong pinatay si Duterte sa pamamagitan ng pagtulak dito mula sa isang helicopter.
Dapat pag-aralan muna ni Kaufman ang katotohanan ng kaso sa halip na ituon ang pansin sa retorikong pampulitika, sabi pa ni Castro.
- Latest


















