PANOORIN: Divinagracia humirit ng patutsada; abogado ni VP Sara umangal
MANILA, Philippines — Umalma ang kampo ni Vice President Sara Duterte sa hirit ng prosecution na “parang confidential funds lang” matapos mapag-usapan sa impeachment trial ang 11-araw na pagitan ng isang cash withdrawal at ng December 31 cutoff para sa mga transaksyong sakop ng SALN.
Sa pagtatanong kay Anti-Money Laundering Council Executive Director Ronel Buenaventura, tinalakay ang isang cash withdrawal na ginawa noong December 20.
Nilinaw na ang December 31 ang cutoff para sa mga transaksyon at assets na isasama sa SALN. Nang tanungin kung ilang araw ang pagitan ng December 20 at December 31, sumagot si Buenaventura na 11 araw.
“Parang confidential funds lang,” hirit ni prosecution lawyer Mae Divinagracia.
Agad namang umalma si defense lawyer Mark Vinluan at hiniling na alisin sa record ang komento. Pinagbigyan ito ni presiding officer Sen. Chiz Escudero.
Tumutukoy ang hirit ni Divinagracia sa matagal nang usapin tungkol sa P125 milyong confidential funds ng Office of the Vice President noong 2022, na inilarawan ng prosecution bilang nagamit sa loob ng 11 araw.
Kinukuwestiyon naman ng kampo ni Duterte ang naturang 11-araw na paglalarawan sa paggamit ng confidential funds.
- Latest
























