PANOORIN: Chinese funding sa ilang politiko, ‘hindi na kaduda-duda’ — Jay Tarriela
MANILA, Philippines — Sinabi ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela na hindi na umano kaduda-duda ang posibilidad na may ilang politiko sa Pilipinas na tumatanggap ng pera mula sa gobyerno ng China.
“Nagdududa pa ba tayo na some of our politicians are receiving money from the Chinese government? I don’t think na kaduda-duda pa ’yan,” ani Tarriela.
Ginawa niya ang pahayag matapos ang press conference ni dating Sen. Antonio Trillanes IV, kung saan naglahad ito ng mga alegasyon tungkol sa umano’y pagpasok ng mahigit P319 milyon mula sa Chinese government at Chinese companies sa Cale88 Foods Corp.
Iniugnay ni Trillanes ang kumpanya kay Manases Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte.
Mariin namang itinanggi ng kampo ni Duterte ang mga alegasyon ni Trillanes. — Martin Ramos
- Latest
























