^

Punto Mo

EDITORYAL — Alin pa ang sunod na masusunog?

Pang-masa
EDITORYAL — Alin pa ang sunod na masusunog?

NASUNOG noong Miyerkules (Enero 14, 2026) ang gusali ng DPWH-Cordillera sa Baguio City. Naganap ang sunog tatlong araw bago ang pagsisimula ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa maanomalyang flood control projects ng DPWH. Nagkakataon lang kaya ang sunog o sinadyang sunugin para mawala ang ebidensiya ng korapsiyon sa tanggapan?

Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na mahahalagang dokumento ang nasunog sa gusali ng DPWH. Ayon sa Baguio City Fire Marshal, ang nasunog ay ang Financial Management Records Room. Mahahalagang dokumento nga marahil ang nasunog sa gusali. Isang magandang balita naman na walang naiulat na namatay at nasaktan sa kalahating oras na sunog. Hindi malaman kung ano ang dahilan ng sunog.

Ang sunog sa DPWH- Baguio ay ikalawa na. Unang nasunog ang DPWH sa NIA Road, Quezon City noong Oktubre 22, 2025. Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa Bureau of Research and Standards (BRS) office. Ayon sa isang opisyal ng DPWH, ang nasunog ay testing site ng cons­truction materials gaya ng semento, bakal at iba pa.

Bukod sa BRS office, nasa loob din ng compound ang tanggapan ng DPWH IV-B. Nilinaw ng DPWH na walang dokumento na may kinalaman sa isinasagawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects. Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog sa isang pumutok na computer at mabilis na kumalat ang apoy sa gusali.

Nakapagtataka ang mga nangyaring sunog sa DPWH. Hindi maiiwasang isipin na maaaring sinadya ang sunog para masira ang mga ebidensiya sa mga anomalya sa DPWH. Kung sunog na ang mga mahahalagang dokumento, wala nang ebidensiya. Wala nang makapagdidiin sa mga korap at matatakaw na buwaya.

Una nang sinabi ni Blue Ribbon Committee chairman Panfilo Lacson na mali ang mga binigay na datos ni dating DPWH Manuel Bonoan kay PBBM, maaring nagkakatugma na mayroon talagang gustong itago sa mga dokumento at isang paraan para maitago ay sunugin ang mga ito.

Isang dapat gawin ni DPWH Sec. Vince Dizon na lahat ng gusali ng DPWH sa buong bansa ay i-secure upang hindi masunog o manakaw kaya ang mga ebidensiya. Ngayong mainit ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa flood control projects, gagawin ng mga isinasangkot ang lahat ang para mawala ang mga ebidensiyang magdidiin sa kanila.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with