Bonoan kasama sa sinampahan ng plunder ng NBI - DOJ

MANILA, Philippines — Kabilang si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary Manuel Bonoan sa plunder complaint na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesperson Atty. Polo Martinez, kapwa respondent si Bonoan sa plunder complaint na kinakaharap ni Sen. Jinggoy Estrada at iba pa, na nag-ugat sa maanomalyang flood control projects.
Nilinaw ni Martinez na ang reklamong plunder ay hindi limitado sa iisang proyekto o lokalidad bagamat nag-ugat sa flood control projects, ang mga alegasyon ay pawang may kaugnayan at nasa mahigit P50-milyon ill-gotten wealth, sa pinagsama o serye ng mga transaksyon.
Nakatakdang i-assign sa panel of prosecutors ang reklamo para sa pagsasagawa ng preliminary investigation.
Si Bonoan ay kababalik pa lamang ng bansa nitong Linggo mula sa Estados Unidos at kahapon (Lunes) ay sumalang na siya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon kaugnay sa flood control scam.
- Latest




















