^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Sunog sa DPWH nakapagtataka!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Sunog sa DPWH nakapagtataka!

DALAWANG beses nang may nangyayaring sunog sa mga gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH). At ang sunog ay nagaganap habang iniimbestigahan ang malawak na anomalya kaugnay sa flood control projects. Nagkakataon lang ba ang sunog o sinasadya.

Ang sunog noong Enero 15, 2026 sa gusali ng DPWH-Cordillera sa Baguio City ay naganap ilang araw bago ang pagsisimula ng Senate Blue Ribbon Committee. Kabilang sa mga ipinatawag ng Senado kahapon si dating DPWH secretary Manuel Bonoan. Umalis ng bansa si Bonoan noong Disyembre subalit sinobpoena ng Senado. Kahapon, kinuwestiyon ni Sen. Panfilo Lacson, chairman ng Blue Ribbon si Bonoan sa mali-maling datos na sinumite kay President Ferdinand Marcos Jr. Itinanggi naman ni Bonoan na mali ang mga ibinigay na datos.

Sa sunog sa DPWH sa Baguio, sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na mahahalagang dokumento ang nasunog. Sabi ng Baguio City Fire Marshal, nagmula ang sunog sa Financial Management Records Room. Nagsimula ang sunog ng 5:25 ng hapon at naapula ng 5:36. Wala namang naiulat na nasaktan sa sunog.

Noong Oktubre 22, 2025, nasunog ang gusali ng DPWH, sa NIA Rd. EDSA, Bgy. Pinyahan, Quezon City. Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa Bureau of Research and Standards (BRS) office. Ayon sa isang opisyal ng DPWH na ang nasunog na gusali ay testing site ng cons­truction ­materials tulad ng semento, bakal at iba pa. Bukod sa BRS office, nasa loob din ng compound ang tanggapan ng DPWH IV-B. Nilinaw ng DPWH na walang dokumento na may kinalaman sa isinasagawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects. Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog sa isang pumutok na computer at kumalat na ang apoy sa gusali.

Lubhang nakapagtataka ang mga nangyaring sunog sa DPWH. Hindi maiiwasang isipin na maaaring sinadya ang sunog para maitago ang malawak na anomalya sa DPWH. Kung sunog na ang mga dokumento, wala nang ebidensiya.

Kung totoo naman ang sinabi ni Lacson na mali ang mga binigay na datos ni Bonoan kay PBBM, maaring nagkakatugma na mayroon talagang gustong itago sa mga dokumento. Gagawin ang lahat para mabura ang mga ebidensiya.

Nararapat na i-secure ang mga dokumento sa lahat ng DPWH offices. Kapag nawala ang mga papeles, goodbye na sa lahat. Wala nang mananagot. Ligtas na ang mga buwaya.

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with