^

Police Metro

‘Leviste files’, haka-haka lang - Palasyo

Gemma Garcia - Pang-masa
‘Leviste files’, haka-haka lang - Palasyo
Rep. Leandro Leviste (Batangas, 1st District) holds a press conference on Monday, Aug. 26, 2025 after filing criminal cases against the district engineer who attempted to bribe him.
Lingkod Legarda Leviste via Facebook

MANILA, Philippines — Ayaw umanong pag-aksayahan ng panahon ng Palasyo ng Malacañang ang sinasabing files na hawak ni Batangas 1st District Rep. Leandro Antonio Legarda Leviste na naglalaman umano ng listahan ng pangalan ng mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa mga maanomalyang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa paniniwala na ito ay haka- haka lang.

Ito ang sinabi ni Palace Press officer Atty. Claire Castro na ang sinasabing files kung saan naglalaman umano ito ng pangalan ng mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa maanomalyang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung saan nabanggit umano ang tanggapan ng Office of the President, Office of the Executive Secretary at Special Assistant to the President.

Ayon kay Castro, marami sa sinasabing “Leviste files” nang bersyon na hindi magkakatugma, tulad ng mayroong nakasulat na annotations, mga pangalan ng mga gabinete at ang ibang bersyon naman ay walang gaanong nilalaman.

Ipinapaubaya na lang ni Castro sa kamay ng Ombudsman ang pag-authenticate o pagpapatunay ng “Leviste files”.

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with