^

Metro

PNP, tutulong sa daloy ng trapiko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP, tutulong sa daloy ng trapiko
Bahagi ng rehabilitasyon ang concrete reblocking at asphalt overlaying, na inaasahang magdudulot ng matinding pagsisikip ng trapiko, lalo na’t ang EDSA ay isa sa pinakaabalang kalsada sa Metro Manila na dinaraanan ng daan-daang libong sasakyan araw-araw.
STAR / Ryan Baldemor

Rehabilitasyon ng EDSA

MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Acting Chief PLtGen Jose Melencio Nartatez, Jr. na makikipagtulungan sila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa posibleng pagde-deploy ng resources para umagapay sa pangangsiwa ng trapiko at iba pang security-related matters sa gitna ng rehabilitasyon sa EDSA.

Bahagi ng rehabilitasyon ang concrete reblocking at asphalt overlaying, na inaasahang magdudulot ng matinding pagsisikip ng trapiko, lalo na’t ang EDSA ay isa sa pinakaabalang kalsada sa Metro Manila na dinaraanan ng daan-daang libong sasakyan araw-araw.

Ayon kay Nartatez, bahagi ito ng proactive mea­sures para mabawasan ang epekto ng rehabilitasyon sa mga motorista at commuter sa buong panahon ng implementasyon nito.

Bagama’t inaasahang magde-deploy ng sarili nilang mga tauhan ang MMDA at ang mga lokal na pamahalaan, sinabi ni Nartatez na ang mga territorial unit ng PNP at ang Highway Patrol Group (HPG) ay maaaring magsilbing karagdagang puwersa sa strategic locations sa kahabaan ng EDSA at sa mga pangunahing alternatibong ruta.

“We expect heavy traffic and we are ready to assist in terms of manpower for traffic management and other peace and order-related concerns, including road rage that could be prevented with the visible presence of our personnel,” ani Nartatez.

Nagsimula ang concrete reblocking at asphalt overlay alas-11 ng gabi noong Disyembre 24 at kinabukasan ay agad nakita ang epekto nito sa daloy ng trapiko.

Naglabas na ang DPWH ng mga schedule ng mga gawain sa rehabilitasyon, habang hinihikayat ng PNP ang mga motorista na planuhin nang maaga ang kanilang mga biyahe.

EDSA

MMDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with