Thea, ikakasal na sa pilot

After ma-engage ni Carla Abellana, isa pang Kapuso actress ang na-engage rin kamakailan.
Engaged na si Thea Tolentino sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Martin Joshua San Miguel.
Four years na karelasyon ng Kapuso kontrabida si Martin na isang airline pilot.
Sa Instagram, pinost ni Thea ang ilang photos sa nangyaring proposal ni Martin na naganap noong Nov. 25 sa Japan.
“11.25.25. It’s sinking in for real now. Hello my fiancé,” saad ng aktres na naka-tag si Martin sa caption.
Bago si Martin, on and off ang relasyon ni Thea sa Kapuso comedian na si Mikoy Morales na ikakasal na rin next year sa kanyang non-showbiz fianceé.
Alden, takot mag-isa
Sa edad na 33, ang biggest fear nga raw ni Alden Richards ay ang tumandang mag-isa.
“Siguro my fear is... I might grow old alone. Minsan kasi wala na talaga akong pakialam sa sarili ko eh, mas ‘yung mga importante muna.
“So ngayon lang siya dumating sa akin. Just now. And I said it. That’s my fear. I might grow old alone and I don’t want that to happen,” sey niya.
Pero naniniwala ang Kapuso actor na nakukuha ng bawat tao ang nararapat para sa kanyang buhay.
Sa Dec. 13, magkakaroon ng fan meet si Alden sa Santa Rosa City, Laguna Multi-Purpose Complex kaugnay ng 15th anniversary niya sa showbiz.
Miley, ikakasal na rin sa music produ
Engaged na si Miley Cyrus sa drummer and music producer na si Maxx Morando.
Ayon sa report ng Page Six, suot ni Miley ang engagement ring na bigay ni Maxx sa kanyang 33rd birthday celebration.
Ang father pa ni Maxx ang nag-post ng photos ng engagement ring ng Flowers singer on social media.
Miley and Maxx, first met on a blind date back in 2021 during an event for Gucci. They went public with their relationship in April 2022.
Huling nakita ang newly-engaged couple sa red carpet premiere ng Avatar: Fire and Ash in Hollywood.
The 33-year-old Hannah Montana star also dated Nick Jonas, Justin Gaston, Patrick Schwarzenegger, Stella Maxwell, Kaitlynn Carter, and Cody Simpson.
Miley was married to Australian actor Liam Hemsworth in 2018. They got divorced in 2020.
- Latest



















