^

Probinsiya

Babaeng wanted sa illegal recruitment at syndicated estafa, nalambat

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Arestado ang isang babaeng umano’y manugang ng dating ­congressman na wanted dahil sa illegal recruitment at syndicated estafa sa ikinasang police operation sa Imus City, Cavite, ka­makailan.

Si Mary Joy Ende, 43, ay nadakip batay sa mga warrant of arrests para sa apat na bilang ng estafa at paglabag sa Migrant Wor­kers and Overseas Filipino Act of 1995.

Inirekomenda ang piyansang P72,000 sa bawat bilang ng kasong estafa, ngunit walang piyansa para sa illegal recruitment offense, ayon kay Executive M/Sgt. Paquito Chan Jr. ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) police-Regional Mobile Force Battalion.

Ang mga warrant, na may petsang Mayo 25 at Hunyo 4, 2021, ay ni­lagdaan ni Judge Ellen Abesamis-Quinto ng Municipal Trial Court Branch 65, at Judge Ma. Caridad S.J. Villamor-Yee ng Regional Trial Court-National Capital Judicial Region Branch 237, ayon sa pagkakasunod.

Sinabi ni Chan na gumamit ang suspek ng mga gawa-gawang pangalan tulad ng Catherine Jalosjos, Maria Catherine Mamaclay at Catherine Baquiller Bonsocan para makaiwas sa pagkakaaresto.

Sinabi ni Chan na nagpakilala pa ang suspek sa arresting team bilang da­ting daughter in-law ni da­ting Congressman Romeo Jolosjos. “Para maitago sa batas, huli siyang nagparehistro sa pangalang Catherine Jaloslos, dinala niya ang apelyido ng asawa niya na anak ni dating Cong. Jalosjos,” dagdag ni Chan.

Ayon naman kay Lt. Col. Agosto Asuncion, commander ng RMFB4A na ang suspek ay tinaguriang numero unong Most Wanted Person na may nakabimbing kasong kriminal para sa mga kasong large scale syndicates estafa at mga aktibidad ng scam sa rehiyon ng Calabarzon.

“Para mahuli ang suspek, nalaman namin na gumagawa pala ng laptop at computer ang live-in partner niya, kaya nagkunwari kaming customer para makapasok sa loob ng bahay,” dagdag ni Chan.

Nauna nang naaresto ang suspek ng Criminal Investigation and Detection Group sa entrapment operation sa Quezon City noong Nob. 9, 2016, pero pinalaya ng korte para sa released for further investigation (RFI). 

ESTAFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with