60-anyos ginilitan ni mister sa selos!

Cavite, Philippines — Dahil sa selos, ginilitan ng isang mister ang kanyang 60-anyos na kinakasama habang natutulog sa loob ng kanilang bahay kahapon sa Barangay Buenavista 1, Gen Trias City.
Hindi na nagawa pang madala sa pagamutan ang biktima na nakilalang si Guadalupe Maraya Geraldo, residente ng Sitio Hulugan, Brgy. Buenavista 1, Gen Trias City, Cavite.
Arestado naman ang suspek sa follow-up ng mga barangay official at pulisya na nakilalang si Roberto Viol Tacbobo, 55-anyos, kinakasama ng biktima at residente rin ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ni Police Sergeant Lauren Lubigan, may hawak ng kaso, dakongg alas-7 ng umaga nang maganap ang krimen kung saan mahimbing na natutulog ang biktima.
Bago ang insidente, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa dahil sa pagseselos.
Bunsod nito, hindi na umano nagawang matulog ng suspek hinggil sa pag-iisip hanggang sa maburyong at kumuha ng patalim saka nilapitan ang natutulog na biktima at nilaslasan ito sa leeg.
Dead-on-the-spot ang biktima habang agad na naaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang kutsilyong ginamit ng suspek sa pagpatay sa live-in partner.
- Latest

















