^

Probinsiya

Salpukan ng motorsiklo: 2 dedo, 2 kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawa ang patay habang dalawa rin ang malubhang nasugatan matapos magsalpukan ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Barangay San Pedro, Roxas, Isabela noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Police Staff Sergeant Ricky Nelson Isla ang mga nasawi na sina Arnold Managuelod 29 at angkas niyang si Angelica Nava 33 na tubong Tondo, Manila.

Ayon sa report, kapwa patay na nang mairating sina Managuelod at Nava sa Roxas District Hospital kung saan rin isinugod at ginagamot ang nakasalpukan nilang si Joshua Rivera, 21, at angkas nitong si Jay-ar de Vera 30 na kapwa obrero.

Lumalabas na nagmagandang loob si Managuelod na ihatid pauwi si Nava sa tinutuluyan niyang bahay sa Brgy. Bantug mula sa pinapasukan nitong karinderya. Gayunman, nagkrus ang landas ng motorsiklo nina Managuelod at Rivera na kapwa mula sa magkaibang direksiyon dakong alas-9:00 ng gabi na sanhi ng malagim na aksidente.

AKSIDENTE

MOTORSIKLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with