^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati(61)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

GISING pa si Ruth nang dumating si Mommy Donna.

“Ba’t gising ka pa Ruth?’’

“Hinihintay kita. Hindi ako makatulog hangga’t wala ka pa.’’

“May ikukuwento ako s’yo. Kanina lang nangyari habang naglalakad ako sa may kanto.’’

“Ano yun?’’

“May sumusunod sa aking lalaki kanina habang ako naglalakad. Ki­nutuban ako na baka ang hayop na si Samuel at ga­gantihan ako. Patuloy akong sinundan. Naisip ko rin naman na baka holdaper o snatcher kaya inihanda ko ang aking patalim na nasa handbag. Uunahan ko ang lalaki bago ako ang maunahan niya.

“Nagkubli ako sa poste at hinintay ang lalaki. Pagtapat sa akin, inundayan ko ng saksak! Pero nagulat ako nang magsalita, si Danilo pala -- yung tambay sa kanto.

“Mayroon daw siyang sasabihin kaya ako sinu­sundan. Kahapon pa raw niya ako hinahanap pero hindi ako makita kaya doon sa kanto ako inaba­ngan at sinundan.

“Alam mo kung bakit niya ako sinundan?’’

“Bakit?’’

“Noong isang araw daw ay may naghaha­nap sa aking lalaki. At sa tingin daw ni Danilo ay Japanese ang lalaki. Mga edad 40 raw.”

“Sino kaya yun?’’

“Hindi ko nga alam.’’

“Baka ang dati mong asawa sa Japan, Mommy – si Toshi.’’

Napamaang si Mommy Donna.

Saka napailing ito. Parang ayaw niyang maniwala.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with