^

Metro

Trader, 1 pa na umaarbor ng drug suspect, kalaboso

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang ne­gosyante at isang babae matapos magtangkang manu­hol ng malaking ha-laga ng salapi sa mga tauhan ng Quezon City police  kapalit ng pagpapalaya sa isang drug suspect kama-kalawa ng hapon sa Brgy. West Fairview ng nabanggit na lungsod. ng bilanggo sa naturang police station sa may kahabaan ng Pearl St., Brgy. West Fairview, Quezon City alas-5:15 ng hapon ng Biyernes.

Kinilala ni QC Police Chief Guillermo Eleazar ang mga nadakip na sina Allan Brayn Panganiban, 31, negos­yan­te ng The Grand Towers Con­do, De Ocampo St., Ma­late, Manila at  Ronalyn De Leon, 26 anyos Brgy. Greater Fairview, Quezon City.

 Sa ulat, si Panganiban at De Leon  ay nagtungo sa Police Station 5 at nagpakilalang pinsan at kaibigan ng bilanggong si Frederick Rejante,  alyas Fritz, isang kilalang drug pusher na nahuli sa isang  buy-bust operation ng PS-5 SAID sa  Ever Gotesco Parking lot, Pearl Drive kanto ng Commonwealth Ave., Brgy. Greater Fairview, Quezon City.

 Kinausap umano ng da­lawang suspek ang mga opis­yal ng police sta­­tion at nag-alok ng P50,000.00  para mailabas sa kulungan si Re­jante. Bunga nito, agad ina­resto ng mga pulis ang dalawa at kinasuhan ng bribery.

vuukle comment

UMAARBOR NG DRUG SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with