Aga pinagtatawanan ang bashers, batu-bato ang braso, may abs!

Game na game si Aga Muhlach kahapon sa grand mediacon ng 2nd Miracle In Cell No. 7.
Like sinagot niya ang tungkol sa bashers at talagang ipinakita niya sa ilang entertainment presscon ang mga muscle niya na proof na hindi shortcut ang kanyang pagpayat. May abs, at ang titigas ng braso.
Yup, may resibo si Aga na pinaghirapan niya ‘yun ng halos isang taon.
May bashers pero mas maraming na-inspire sa kanyang ginawa.
“Yeah, but it’s not, you know, it’s not my responsibility to inspire.
“I’m doing this for... I do this for, para sa akin,” umpisa ni Aga.
“If I inspire people along the way, okay, salamat. Pero that’s not my goal,” pagdidiin niya.
“Kaya hindi ako nag-a-announce na ‘I lost weight, I lost ano,’ kasi hindi rin ako nakita ng tao kaya nabigla sila.
“But if you go to my IG (Instagram page), pansinin nila, if you go back there, makikita nila ‘yung weight loss journey ko. Every month ‘yan. Nagvi-video ako, nagba-bike ako. Pino-post ko ‘yon stories, ganyan,” sabi pa niya.
“Alam nila ‘yan. Lahat nang kasama ko sa cycling journey saw that, saw that journey, how I worked hard,” dagdag niya.
At kinarir niya ito kaya naman talagang nakikita siya na sumasali na sa competition.
“Masaya siya kasi. Nae-enjoy talaga namin kasi nae-enjoy ko rin kasi kasama family. Sumama asawa ko, sumama si Andres so if it was just me siguro baka nag-stop na ‘yan.
“But kasama ko sila so parang walang nawawala. Walang naiiwanan,” sabi niya pa na aniya ay struggle sa umpisa at talagang iniiyakan niya.
At ‘yun na raw ang naging buhay niya, naging social life.
“Kasi parang ‘yun lang ang buhay namin. We bike. We work out and we stay home. ‘Yung social life ko, out the window talaga.
“My social life is my biking,” dagdag pa niya.
What about the food? What do you eat? Ano ang hindi mo kinakain? “Lahat. Lahat naman ng mga expert will know talaga, it’s really the food talaga. And when you’re allowed to eat anything, as long as you cut your calories.”
At hindi rin siya one meal a day (OMAD). “No, I eat normal. That’s why I’m able to survive.
“Kasi ang nangyayari kasi, I think ano, if I can say this, ito siguro to help. Buti bumalik din ako sa ginawa ko in the ‘90s, ginawa ko in 2007 when I was wakeboarding, nag-training din ako. Ganun din ako. Nag-abs din ako. Binalik ko lang ‘yon. Ano bang ginawa ko. Sabi ko parang bakit hindi ko na magawa
“Kasi ang dami ko nang pinasok na mga fat diets. No carb, OMAD, Keto, mga ganyan. At the end of the day, you go back to deficit talaga.”
So kumakain ka ng rice?
“I eat two cups of rice per meal.”
White rice?
“It doesn’t matter anymore.
“It doesn’t matter because it’s the calories that you count. Oh yeah. I think it’s really that.”
So how many calories a day?
“I’m now up to 2,400 (calories) because I bike and I work out.
“So I’m up to 2,400. That’s a lot of food.
“Gawa sa bahay, ha. Kasi ang oil, alam mo ang fat, ang taas ng calories ng fat. So ‘pag inalis mo ‘yon sa diet mo, binaba mo, tataas ang calories mo sa carbs. Tataas ang calories mo sa protein which is ang ating kanin, gulay, tinapay, manok, isda. karne, medyo lahat ‘yan.
“But luto sa bahay talaga. ‘Talagang ‘pag kumakain ako sa labas, nagdadala ako ng pagkain.
What about drinks?
“Wala. I don’t drink. I stopped.
Just water? “Yeah. ‘Yung alcohol, ‘yung socialize drinking, mga social drinking ko. I stopped.”
Samantala, hinding-hindi apektado si Aga sa bashers as in pinagtatawanan lang niya.
Nagbabasa raw siya ng social media pero mga positive comment lang. Actually, malungkot at naaawa siya sa bashers na parang pulos kasamaan ang nakikita.
“We’re so happy to be here. Thank you so much. Viva, Boss Vic, thank you very much.
“Sa pamilya ko rin, Charlene, thank you for always being there, for your support, for your encouragement. My children, Andres, man, you rock. Thank you very much. Atasha, I love you guys.
“Luigi also has his own weight loss journey now. I love you guys. You guys are my world. God above. thank you very much.
“Sa bash, okay lang ‘yon, mag-bash kayo nang mag-bash. Walang problema ‘yon. Hayaan n’yo lang. Alam naman namin ‘yung kinalalagyan namin, kinatatayuan namin. Kahit mga anak ko. Okay lang kasi makakatulong kayo. Tumitibay lalo ang mga anak ko. Maraming salamat sa mga basher. Medyo weird na kasi minsan ‘yung mga comment. May mababasa ka ‘ha? Ano ba ‘yan. Parang wala ka nang ginawang tama. ’ Hindi lang sa akin, sa lahat ng tao.
“I guess that’s the new... Parang sad naman. Parang ang sad ng buhay n’yo,” katwiran ni Aga.
“Kahit sinong mga tao. Kunwari kahit sinong mag-post, may nagco-comment... saka ang pangit. Minsan ang baboy talaga. Nakikita ko sa ibang tao, ang baboy ng mga comment.
“Nakakalungkot lang. Parang minsan bago kayo mag-comment, ‘anong nangyari sa inyo? Ayokong mangyari sa akin.’
“Sa totoo lang, it’s too much bashing. To become a critic, you criticize, that’s fine. Criticize what you want, that’s okay. But if it’s to pull people down, come on. Hindi sa akin, wala namang nangda-down sa akin. Pero sa ibang tao nakikita ko. Grabe mag-judge,” dagdag niyang komento.
Very thankful na lang ang actor na at this point of his career ay dumarating pa ang mga pelikulang tulad ng 2nd Miracle in Cell No. 7 na sa trailer pa lang na ipinapanood kahapon sa grand media conference ay marami na ang tumulo ang luha dahil may kurot sa puso ang mga eksena na bagay na bagay sa paparating na Pasko.
Nagbabalik si Aga rito bilang Lito na this time ay makakasama niya sina Jodi Sta. Maria at Xia Vigor para sa panibagong kabanata ng kuwentong nagpaluha sa ating lahat noong 2019.
Ang original na Miracle in Cell No. 7 ay unang ipinalabas sa South Korea noong 2013 na nagkaroon ng mga bersyon sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Indonesia at Pilipinas.
Kasama rin sa pelikula sina Joel Torre, JC Santos, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, Soliman Cruz, Nanding Josef, Jansen Magpusao, Irma Adlawan, Ricardo Cepeda, Serena Eerland at Mercedes Cabral.
Kaya ngayong ngayong Pasko, saksihan ang pagbuhay sa isa pang himala sa pagtatambal nina Aga at Jodi sa 2nd Miracle in Cell No. 7 —ang inaabangang entry ng Viva Films at Next by Philstar Media Group para sa 52nd Metro Manila Film Festival.
Directed by Nuel Crisostomo Naval and written by Mel Mendoza-Del Rosario.
- Latest


















