^

PSN Showbiz

Direk Dan, wala ring sagot kung buntis si Kim!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Direk Dan, wala ring sagot kung buntis si Kim!
Kim Chiu

Noong nakaraang linggo lang in-upload ni Kim Chiu sa kanyang YouTube channel ang pahayag tungkol sa kanyang kalagayan ngayon.

Binanggit niya roon na kinunan niya ito noong Sept. 24 pa, pagkatapos niyang dumalo sa hearing ng kasong isinampa niya laban sa kapatid na si Lakambini.

Tamang-tama naman, magsisimula na ang promo ng entry niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ng Quantum Films na A Perfect Marriage.

Marami kasi ang curious kung mananatili ba siyang nakatago, at kahit sa promo ng pelikula niya sa MMFF ay hindi pa rin siya magpapakita?

Ngayon lumabas na siya online at nagsalita na siya, malamang sa malamang na lalabas din si Kim para tumulong sa promo ng pelikula nila ni Paulo Avelino. Sa susunod na linggo kasi ay magsisimula na ang promo at meron na silang media confe­rence.

Kaya maaaring dumalo rin siya, pero posibleng hindi na siya magsasalita sa mga pinagdaraanan niya ngayon na nasabi na niya sa kanyang vlog.

Bukod pa riyan ay ongoing ang kaso, kaya hindi siya puwedeng magsalita.

Kinumusta namin kay Direk Dan Villegas ang pelikulang ito pati sina Kim at Paulo nang makatsikahan namin siya sa premiere night ng pelikulang Laya noong nakaraang Lunes.

Sabi ni Direk Dan, wala raw siyang ideya sa promo schedule ng pelikula kaya hindi niya kami masagot kung sasama ba si Kim. “Honestly sa promo schedule hindi ko po alam. Kasi hindi ko pa nakikita ‘yung calendar. So, sana po,” matipid na sagot sa amin ni Direk Dan.

Nagpapasalamat lang siya dahil napaka-cooperative ng dalawang bida at magaling daw sila sa pelikulang ito. “Ang cliché. Pero ibang Kim Chiu ang mapanood niyo rito sa A Perfect Marriage. Hindi ko naman kailangan para i-push na kailangan maramdaman nila ito. I had fun directing with them,” tugon ni Direk Dan.

Inurirat pa rin namin siya tungkol sa pinagdaanan ni Kim. Nakatulong ba ang pinagdaanan ng aktres para gampanan niya ang role niya sa pelikulang ito? “I think you better ask her na lang the question.

“Kasi ako as much as possible sa set, we try to maintain parang... professional distance. Ihiwalay ‘yung character dun sa persona mo talaga, sa personality mo talaga. So ayun! Para malinaw ang difference,” safe pa ring sagot sa amin ni Direk Dan.

Diniretso ko na ring sinabi sa kanya na hindi naman siguro totoo ‘yung isyung buntis, kasi natapos naman nila ang pelikulang walang problema. “Ay hindi ko po alam!” kaagad na sagot ni Direk Dan.

“Honestly po kung ano man ‘yung ano niya dun, hindi ko talaga alam e.

“Hindi naman ako tsismoso para pasukan ko ‘yun. Saka kung buntis, e di good for her. Blessing ‘yun. So, that’s good. Wala talaga akong idea,”  seryosong sagot sa amin ng premyadong director.

Puring-puri lang niya sina Paulo at Kim dahil talagang nagtutulungan daw para magaan ang trabaho nila at talagang magaling daw sila sa pelikulang ito, lalo na si Kim Chiu. “Ayun lang ang maganda kina Pau at Kim. ‘Pag naka-work mo sila, they push each other. So, nagsu-support nga sila.

“They give notes to each other habang nagte-take. So ano po, super na-appreciate ko ‘yun sa kanila,” tugon pa ng direktor.

Natutuwa pa siyang ibinalita sa aming isa sa magaling talaga dito sa A Perfect Marriage ay si Zac Sibug na napansin na noon pa sa unang pelikula niyang UnMarry noong nakaraang taon.

Pero dito raw ay talagang ibang galing ang ipinakita niya rito. “Ang galing nung bata. Yes, super!” bulalas ni Direk Dan.

Fans, super invested sa PBB

Ang init ng netizens ngayon sa Pinoy Big Brother (PBB) Collab 3.0.

Sobra silang involved, at talagang inilalabas nila ang galit nila sa hindi nila nagustuhan sa naturang reality show.

Noong Miyerkules, sa gitna ng pag-trending ng Miss Universe 2026, nakipagsabayan din sa pag-trending ang hashtag na #BringBackPBBLivestream at ang #BoycottPBBSponsors.

Kahapon, trending pa rin sa X ang #WeWantPBBLIvestream, ang #CancelPBBExtra, #PinoyBigBoycott at #NoToPBBExtra.

Meron ding followers si Gehlee Dangca na patuloy pa ring nagpapa-trending sa kanya.

Mas dumami ang nagkakaintres dito sa PBB 3.0, pati sa housemates nito.

Tumataas naman ang ratings nito, lalo na kapag Sabado na kung saan ginagawa ang eviction. Noong Sabado, Nov. 21, ay mataas ang rating nito na naka-7.5 percent. Kaya parang nahatak pa tuloy ang sumusunod na Pepito Manaloto na naka-8 percent.

Sa panahon ngayon na karamihan ay sa telepono na lang nanonood, mataas na itong makapagtala ng 8 o 9 percent, lalo na sa weekend na sa labas ang karamihan.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with