Emmy-nominated serye, mapapanood na sa Primetime

Ang International Emmy Award-nominated serye ng iWant na Love at First Spike, tampok sina Emilio Daez, Reign Parani at Sean Tristan, ay ipalalabas na rin sa primetime TV simula Lunes (Nobyembre 30) sa Kapamilya Channel, ALLTV2, A2Z, TV5 at Kapamilya Online Live.
Sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal, susundan ng serye ang kwento nina Uno (Emilio), isang dating basketball team captain na sumali sa boys volleyball team upang maisalba ang kanyang scholarship, Jared (Sean), ang captain naman ng men’s volleyball team at dating matalik na kaibigan ni Uno, at Farrah (Reign), pinsan ni Jared na may lihim ding pagtingin kay Uno.
Ang Love at First Spike ay ang kaisa-isang entry ng Pilipinas sa International Emmy Awards 2026 sa New York City, kung saan nominado ito sa Kids: Live Action category kasabay ang mga programa mula sa Chile, Netherlands at UK.
Maaaring abangan ang Love at First Spike sa primetime ngayong Nobyembre 30, 9:30 p.m., pagkatapos ng The Loyalty Game: Level Up sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, and TFC.
- Latest




















