^

Punto Mo

Smart Glass: Bagong pandaraya sa exams

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

Pati pala salamin sa mata ay maaari nang maging kasangkapan sa pandaraya sa mga pagsusulit. Naging eskandalo ito kamakailan sa South Korea nang mahuli ang apat na estudyante na gumamit ng AI smart glasses para mangopya o mandaya sa exams.

Ang smart glasses ay hindi ordinaryong salamin sa mata. May mga modelong merong maliit na camera, mikropono, internet connection at AI. Sa pamamagitan nito, maaaring kunan ng larawan ang mga tanong sa pagsusulit at ipadala sa AI upang makakuha ng mga sagot. Ang ilang modelo ay may kakayahan ding magpakita ng impormasyon sa lente.

Ang problema, hindi madaling makilala ang smart glasses na mapagkakamalang ordinaryong salamin sa mata. May mga estudyanteng talagang kailangang magsalamin dahil malabo ang kanilang paningin. Hindi naman puwedeng pagbintangan o pagbawalang magsuot ng salamin ang lahat ng may diperensiya sa mata.

Hindi lamang mga estudyante sa eskuwelahan ang maaaring mandaya gamit ang smart glasses. Isipin na lamang kung magamit ito sa mga board examination ng mga doktor, nars, engineer, guro, parmasyutiko, accountant, dentista at iba pang propesyonal. Pati sa pagsusulit para sa driver’s license at mga qualifying examination sa pag-aaplay ng trabaho ay maaari itong maging problema.

Wala pang malawakang ulat ng ganitong pandaraya sa Pilipinas. Pero hindi nangangahulugang hindi ito mangyayari dito. May mga smart glasses nang mabibili sa merkado at patuloy pang umuunlad ang ganitong teknolohiya.

Hindi rin naman masamang imbensiyon ang smart glasses. May pakinabang ito sa komunikasyon, pagkuha ng impormasyon at iba pang gawain. Ang problema ay kung paano ito ginagamit ng tao.

Matagal nang pinag-uusapan ang masamang epekto ng cellphone at social media sa mga kabataan. Ngayon, nadaragdagan pa ito ng smart glasses na maaari ding maging kasangkapan sa pandaraya at makahadlang sa tunay na pagkatuto ng mga estudyante.

Hindi rin madaling ipagbawal ang pagsusuot ng salamin sa mga eskuwelahan tuwing may examination. Magiging problema pa kung paano matutukoy kung ordinaryong salamin o smart glasses ang suot ng bawat estudyante.

Tahimik pa ang bansa natin sa kasalukuyan hinggil sa smart glasses. Marahil dahil hindi pa gaanong laganap ang paggamit nito. Pero hanggang kailan tayo mananatiling tahimik? Magkakaroon lang ba ng ingay kapag mayroon nang malaking problema?

•••

Email-[email protected]

SMART GLASS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with