^

PSN Showbiz

Pelikulang horror, drama, comedy, action, may MTRCB ratings na

Pilipino Star Ngayon
Pelikulang horror, drama, comedy, action, may MTRCB ratings na
BTS

Pelikulang horror, drama, comedy, action-adventure at concert ang mapagpipilian matapos ilabas ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang film classification para sa mga tampok na palabas ngayong linggo na nag-umpisang ipalabas noong Miyerkules.

“Karamihan sa palabas ngayong linggo ay rated R-13 at R-16. Ibig sabihin ay kailangan ng pagsubaybay ng magulang habang nanonood ang mga bata,” sabi ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto

BTS: Global Takeover, isang 2020 documentary tungkol sa sikat na South Korean boy band, ay rated PG at mapapanood lamang sa Megaworld Cinemas.

Samantala, ang Japan edition ng Jeonghan x Joshua Journey into [Dreaming] ay may PG rating din. Ang live viewing ng concert ng Seventeen subunit ay eksklusibong mapapanood sa Ayala Cinemas.

Ang Andoy, isang horror thriller na pinagbibidahan nina Cedrick Juan, Jennica Garcia, Albie Casiño, Paolo Gumabao, Aya Fernandez, Angelica Lao, Victor Relosa, Harly Daria, Vic Romano at Ivy Nuqui, ay mapapanood sa Ayala Cinemas.

Nakakuha ito ng R-18 rating dahil sa paglalarawan nito ng “prohibited drugs, graphic but non-gratuitous depiction of horror, frightening scenes and gore, and graphic but non-gratuitous depiction of violence and gore.”

Ang Status: Rejected, isa pang gawang Pinoy, ay rated R-13. Tampok sa family drama sina Ruby Ruiz, Alessandra de Rossi at Beverly Salviejo. Kwento ito ng pangungulila, fa­mily conflict, mga online relationship, emotional vulnerability, panloloko at ang paghahanap sa pagmamahal.

Ang The Hunger Games: Sunrise on the Reaping, ang pang-anim na installment sa The Hunger Games series, ay may R-13 rating. Bida rito sina Jennifer Lawrence, Mckenna Grace at Joseph Zada at tinatalakay ang mga mature dystopian theme gaya ng mga kabataan na napipilitang sumama sa pakikipaglabanan, pang-aapi, sacrifice and retaliation.   “It includes strong and sustained violence, bloody images, injury detail, disturbing situations, smoking, and teen drinking that are unsuitable for viewers below thirteen (13) years old. The stylized and dystopian context tempers the impact of the violence, but its intensity, bloodshed, and disturbing treatment warrant this rating,” sabi ng MTRCB.

Ang Possessions of Daphne, isang horror film na tampok si Ayla Kaymak, ay rated R-13 dahil sa pagtalakay nito ng supernatural possession, occult practices, paranormal manifestations, atmosphere of psychological tension at sustained horror.

Ang comedy drama na Club Kid ay may R-16 dahil sa kwento nito ng partying lifestyle ng isang ama at ang kanyang komplikadong relasyon sa kanyang anak. Kabilang sa cast sina Jordan Firstman, Reggie Absolom at Diego Calva.

Ang You Can See Everything ay isang documentary tungkol kay Silicon Valley founder Elizabeth Theranos. Ito ay rated R-16 dahil sa mga tema nito ng panlilinlang, deception, dishonesty, corporate fraud, accountability, ang bunga ng panloloko sa iba, at ang komplikadong relasyon ng katotohanan, public perception at personal na responsibilidad.

Ang G o General Audience ay para sa lahat ng edad. Sa PG o Parental Guidance, kailangang may kasamang magulang o guardian ang batang manonood.   Ang R-13 ay para sa edad 13 at pataas, samantalang ang R-16 ay sa edad 16 at pataas. Ang R-18 naman ay sa mga nasa wastong edad lamang.

Kung sa rating ay laging updated ang MTRCB sa mga ipinalalabas na pelikula, kabaliktaran naman ito sa mga kinikita ng mga ito. Walang ahensiya o organisasyon na naglalabas ng mga kinikita ng pelikulang palabas mapa-foreign o local. Laging pahulaan.

Anyway, ang importante ay maraming pelikulang ipinapalabas sa mga sinehan na ‘pag gusto naman ng mga manonood ay pinapanood talaga nila.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with