Rolbak: P2.55/L gasolina, P2.15 diesel

MANILA, Philippines — Magandang balita para sa mga motorista dahil inaasahang muling bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ay kasunod ng projection ng mas mahinang demand para sa langis sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa ilang source sa industriya ng langis, posibleng magkaroon ng bawas-presyo na P2.35 hanggang P2.55 kada litro sa diesel.
Inaasahan din ang rollback sa presyo ng gasolina na maaaring umabot sa P2.00 hanggang P2.15 kada litro.
Ang naturang pagtataya ay batay sa galaw ng Mean of Platts Singapore (MOPS) at foreign exchange averages sa nakalipas na apat na araw ng kalakalan.
- Latest















