Aiza Marquez, niloko ng mister!

Taong 2011 nang lisanin ni Aiza Marquez ang show business dahil umano sa pag-ibig. Taong 2014 nagpakasal ang aktres at Chino Banas at nabiyayaan ng dalawang anak. “Nagmahal ka, noong panahon na ‘yon I wanted to be independent. I want to have a family already. I was 25, 26 years (old). Lumipat ako (sa New York) para sa kanya. Ang blessing ko na lang ay ‘yung mga anak ko. Turning 15 (si Brooklyn) and my son (Bryce Matthew) is 10,” bungad sa amin ni Aiza sa Fast Talk with Boy Abunda.
Nagkahiway ang aktres at mister dahil sa pagkakaroon ng third party. “Yes, alangan namang magsinungaling tayo. Ano ‘to, magic? Yeah, third party. Alam mo ‘yung napapanood natin sa mga teleserye na tipong isang grupo kayo, maybe a friend of a friend. Magkakasama kayo pero hindi mo alam na there’s something going on, hindi ko alam.
“Kaibigan niya actually, but not mine. Possible pala ‘yon na mangyari na within that circle, pwedeng magkaro’n ng mga third party. Now, okay na kami. Before nagkakairingan pa kami. Ngayon we’re very civil,” pagtatapat niya.
Bilang isang single mom ay talagang malaking sakripisyo ang ginagawa ni Aiza upang maitaguyod ang dalawang supling. “Nagdo-double job ako. So pupunta ako sa isang job ko, I work in a banquet events. Runner ako, meaning ako ang naglalabas ng plates sa chef. Ako ‘yung nagpa-fire ng food for the events. And after that, magwe-wedding events naman ako. Siyempre single mom ako, kalahati ng sweldo ko napupinta sa nanny. Although may child support naman ‘yung ex ko. But of course, living in New York, it’s not enough. Kailangan mong i-balance ‘yung buhay mo. Alangan namang magtatrabaho ka na lang, gusto ko rin namang i-enjoy ‘yon,” pagdedetalye ni Aiza.
Samantala, napapanood na ngayon sa mga sinehan ang pelikulang Remember na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Kabilang din sa naturang pelikula si Aiza. Hinahanap-hanap na raw kasi ng aktres ang pag-arte sa harap ng kamera kaya nagdesisyong bumalik sa showbiz. “No’ng in-ofer siya sa akin, New York-based na ako nito. May nag-reach out sa akin if I can do a movie since ang tagal ko ngang hindi gumawa ng movie. No’ng minention sa akin na it’s gonna be a Dingdong-Marian movie, hindi ako nagdalawang-isip, Tito Boy. Kasi I used to work with Dingdong. I haven’t been doing this in a while. Nami-miss ko, hindi ako magsisinungaling, nakaka-miss siya,” nakangiting kwento ng aktres.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakilala at nakatrabaho ni Aiza si Marian.
Ayon sa aktres ay talagang napahanga siya sa personalidad ng misis ni Dingdong. “This is the first time na na-meet ko si Marian. When I left during that time, nasa prime na siya no’n eh. And sinabi ko sa sarili ko na, ‘I hope one of these days, makatrabaho ko siya. Very warm, napaka-welcoming. Napakabait, napaka-cool niya. Kung lalaki ako, one of the boys siya. Napakabuti, napaka-genuine,” paglalarawan ni Aiza kay Marian.
(Reports from JCC)
- Latest





















