Pirates inilusot ni Villegas kontra Stags
MANILA, Philippines — Isinalpak si Renz Villegas ang panelyong jumper para itakas ang Lyceum of the Philippines kontra sa San Sebastian College-Recoletos, 78-77, sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa Playtime FilOil Centre sa San Juan City.
Limang segundo na lang at iuuwi na ng Stags ang panalo dahil lamang sila ng isang puntos, 77-76.
Ngunit buo ang loob ni Villegas na itinarak ang baseline jumper sa natitirang 1.1 segundo para ipanalo ang Pirates.
Tumapos si Villegas na may 17 points, apat na assists at dalawang rebounds para tulungan ang Lyceum na ilista ang 3-5 record sa Group A.
“Credit sa coaches doon sa play. Parang nagbreakdown lang ‘yung defense. Hindi para sa akin ‘yung play,” ani Villegas. “Buti na-recognize ng teammates ko, wala ng oras eh.”
May tsansa pa sanang mabingwit ng Stags ang panalo subalit nagmintis si Niel Castor sa kanyang huling tangka at nahulog sa 0-8 marka ang koponan.
Sa unang laro, tinakasan ng Mapua Cardinals ang Perpetual Altas sa overtime, 65-60.
- Latest


















