^

PSN Showbiz

Joseph, consistent sa pag-aampon ng hayop

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Joseph, consistent sa pag-aampon ng hayop
Joseph Marco

Kilalang animal welfare advocate si Joseph Marco, at muli na naman siyang nag-ampon ng isa pang rescued animal matapos makakita ng isang may sakit na kuting.

Pinangalanan niya itong Cosmo, at ngayon ay kabilang na ito sa 19 na alagang hayop na inaalagaan ng aktor sa kanyang taha­nan.

“Yesterday lang may napulot ako. Coming from the gym, may nakita akong kitten sa taas ng vending machine. I called the cat. Sobrang dehydrated. I had no choice but to take her in.

“Right now I technically have 19. Thankfully I have a huge place. Nakaka-ikot sila and may tumutulong sa akin mag-alaga,” sey ng aktor

Nahihirapan daw si Marco na hindi pansinin o tulungan ang isang hayop na nangangailangan.

“Minsan kapag tiniis mo, pag hinayaan mo, yeah no added reaponsibility — but based on my experience hinahaunt ako ‘pag ‘di ko natulungan ang dapat matulungan,” katwiran pa niya.

Sheena, Ipinakita ang bagong anak

Mommy of three na si Sheena Halili!

Ibinahagi ni Sheena sa Instagram na isinilang niya ang kanyang ikatlong anak, isang baby boy, noong Lunes, September 7, sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

Nitong Miyerkules, September 9, nag-post siya ng larawan habang nasa hospital bed at karga-karga ang bagong silang na sanggol.

“Hello, Baby Matty!” simpleng caption ni Sheena.

Napuno ng mga greetings mula sa friends in the industry ang post ni Sheena. Kabilang dito sina Chariz Solomon, Ryza Cenon, Carla Abellana, at iba pa.

Noong April ipinaalam ni Sheena at ng hubby niyang si Atty. Jeron Manzanero na magkakaroon sila ng third baby.

Last June, nagkaroon sila ng small gender reveal at home. Gusto raw ng panganay ni Sheena na si Martina ay baby sister, pero baby boy ang bagong kapatid niya.

JOSEPH MARCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with