The Shrimpsons — Jio is EEL-advised. Jocas, our UNI girl (UNI-ca hija) is actually SEAURCHIN for love. Jako, Eileen and Ang Poet N’yo are TEMPURA-mental!
‘Tempura-ry Insanity’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - January 13, 2019 - 12:00am

Tuwing magla-landing sa Land of the Rising Sun,

Sandamukal palagi ang nasasaksihan!

Akalaing Ang Poet N’yo na si Joey-san,

Napasigaw sa sarap parang si Starzan!

 

Aha-ah-ah-aha! Ako husga ICHIBAN!

Natikmang UNAGI at TEMPURA Number One!

Doon sa Fukuoka nitong Paskong nagdaan!

Ito nama’y for now at sa ganang akin lang!

 

‘Yung tempura sauce na ating nakagawian,

Walang ganon-ganon! In short, WALANG SAWSAWAN!

Kung may sasarap pa rito’y hindi ko alam,

But I dare to say today na MATATAGALAN!

 

Let’s say rating n’ya sa aki’y TEMPURA-RY lang,

Hmmm… mukhang TEMFORAVER na nararamdaman!

‘Yung da bes sa Tokyo matagal kong number one,

Gomennasai, tanggal na sa aking listahan!

 

Kung no sauce hindi s’ya basang-basa sa ulan!

Kaya isusubo hindi parang basahan!

Malalasahan lang — LAMBOT, LUTONG, LINAMNAM!

Kahit hindi mo na nga sabayan ng gohan!

 

What? Imadyin ang Japanese rice inirapan!

Ang “kanin pa lang ulam na” ubrang iwasan?!

Inisnab ang rice and the prawn became pulutan!

But strict pa rin ang parents nya’t sya’y pinasamahan!

 

Partners ng Hipong Hapon 0 —

Kaunting espesyal na asin at lemon lang!

Matindi pa nito bago ko malimutan,

KASING-HABA ng chopsticks! Ngek! Merong lalaban?

 

TEMPURA-ry Insanity ang tawag ko d’yan!

Tila ba nabaliw sa sarap nang matikman!

At wari kong kahit isang taon s’yang ulam

Ngek! Kita n’yo epekto? Naging OA naman!

 

Baka sabihin n’yo naman ako ay swapang,

Ituturo ko’t sasabihin ang pangalan —

HYOUTAN SUSHI… but kayo’y binabalaan —

Maghanda’t magtiis sa ONE HOUR na pilahan!

 

Kung UNAGI naman ang type n’yo na pagtripan,

So far ang natikman ko na the best in Japan —

UNA sa UNAGI ay IREFUNE naman!

Mga eels mula Kyushu pinanggagalingan!

 

Sasabihin ng iba pare-pareho lang

Ops, excuse me at nagkakamali kayo d’yan!

May kanya-kanyang kalidad ‘yan at panlaban!

Binabahagi lang magandang karanasan!

 

Like nung dating tempura’ng una sa listahan,

Sa may bandang Roppongi namin natuklasan!

Ang kaiba nyang pasikat at katangian —

Main course din ULO at BUNTOT bukod katawan!

 

Maraming taon ding binabalik-balikan!

Akalaing ulo’t buntot parang chicharon!

For me ito na noon ang Tempura Champion!

But may tumalo rin pagdating ng panahon!

 

Katulad ng WAGYU ay may grado-grado ‘yan!

Kung sino nag-grade? Ehem, eh AKO lang naman!

I’m a food guru! Forty years ang karanasan!

My Cooking Show? “EAT Bulaga!” inyong tandaan!

SHRIMPSONS
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with