^

Dr. Love

Mas mahal ang ampon

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Labintatlong taong gulang na ako, pero hindi ko maintindihan kung bakit tila mas pinapahalagahan nina papa at mama ang inampon naming bata. 

Sa maraming pagkakataon, nakikita na higit na ikupada ng batang inampon ang oras, lakas at atensiyon ng aking mga magulang.

Hindi ko tuloy maiwasan na maisip ang magsisi kung bakit pumayag pa akong ampunin namin siya noong dalawang taong gulang pa lamang siya. 

Mahal ko po ang aking mga magulang, gaya ng ibang anak ay nakakaramdam ako na  wala na hindi na ako naiisip ng aking mga magulang. Dahil pakiramdam ko kasi, sa kanya na napupunta ang lahat, samantalang ako ang tunay nilang anak. 

Umaalma ang kalooban ko, Dr. Love...hindi dapat ganito ang situwasyon na kinasasadlakan ko.

Ano po ba ang dapat kong gawin?

Zon

Dear Zon,

Maaaring abala ngayon ang iyong mga magulang sa pag-aaruga sa bago mong kapatid kaya mas marami silang naibibigay na oras at atensiyon sa kanya. 

Sa halip na magselos, subukan mong tanggapin at ituring siya bilang tunay mong kapatid dahil bahagi na rin siya ng inyong pamilya.

Mahalaga ring kausapin mo nang maayos ang iyong mga magulang tungkol sa iyong nararamdaman. 

Sa ganitong paraan, mauunawaan nila ang iyong pinagdaraanan at makaka-hanap kayo ng paraan para maipakita rin nila sa iyo ang kanilang pagmamahal at pagpapahalaga.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with