^

Dr. Love

Worry na maligawan ang gf

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Tawagin na lamang ninyo akong Josh. Nag-away kami ng gf ko dahil sinabihan ko siya na huwag nang um-attend sa debu ng kapatid ng ex niya, pero pumunta pa rin siya. Alam ko na wala na sila, pero wala akong tiwala dun sa guy.

Baka i-grab niya ang pagkakataon na ligawan na naman ang gf ko. Matagal na kasi niyang ka-close ang kapatid ng ex niya. Inaasahan nga raw ang kanyang pagdalo.

Ako naman, talagang ayaw ko siyang payagan kaya nga nagalit ang gf ko. Wala nga raw akong tiwala sa kanya. Kung talagang mahal ko siya ay hahayaan ko raw siyang magdesisyon. Gusto niya sumama ako, ayoko nga, baka mapa-trouble pa ako ‘ron.

Hindi naman siya ang inaalala ko, kundi ‘yung guy na ‘yun. Alam kong madiskarte ang lalaking ‘yun.

Iniisip ko ngang makipag-cool off muna para maisip niya na mali ang naging desisyon niya.

Josh

Dear Josh,

Huwag kang magagalit ha, tama naman ang gf mo. Huwag mong gawing prinsipyo ang laging magduda.

Mahal ka ng gf mo, kaya sinusubukan niya kung tala-gang may tiwala ka sa kanya.  Kahit naman ligawan siya ng ex niya, hindi uubra kung mahal ka talaga ng gf mo.

Isang gabi lang naman iyon at tama lang na payagan mo siya. Sana sumama ka para makita mo ang sitwasyon.

Iwasan mo ‘yung negative agad ang nasa isip mo. Anyway, instead na mag-worry subukan mong suportahan ang gf mo sa mga desisyon niya.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with