^

Dr. Love

Gustong magpa-annul

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Anim na buwan pa lang kaming kasal ni Tommy pero may natuklasan akong lihim sa kanya. Isa pala siyang closet queen at nagkaroon na ng karelasyong lalaki.

Nabasa ko ito sa kanyang messenger kaya parang dinurog ang puso ko. Gusto ng dati niyang karelasyon na magbalikan sila.

Hiningan ko siya ng paliwanag. Sabi niya, hindi siya bakla at napilitan lang siyang maki-pagrelasyon sa mayaman na gay dahil mahirap siya at gusto niyang makatapos ng pag-aaral.

Ano man ang dahilan niya, diring-diri ako sa ginawa niya. Nawala ang ano mang feelings of love ko para sa kanya.

Sinabi niyang mahal niya ako at nakiusap na bigyan ko siya ng pagkakataon patunayan ito.

Ano ang gagawin ko?

Helga

Dear Helga,

Kung ako ikaw, bibigyan ko siya ng tsansa na patunayang nagbago na siya.

Maraming ganyang kaso na kahit hindi bakla ay pumapatol sa kapwa lalaki na makapagtutustos sa pangangailangan niya.

Patawarin mo siya kung ito’y kaya mong gawin.

Kung hindi, ituloy mo ang plano mong annulment. Ang homosexuality ay ground para sa marital annulment.

Dr. Love

vuukle comment

TOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with