^

Dr. Love

Inaayang mag-live in

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Simulan natin sa pag-uusap namin ng barkada ng mister ko. Inaaya niya akong magsama na kami. Wala na ang ang mister ko. Binalita niya sa akin. Nagkasakit siya at pinauwi na sa bahay nila bago pa mabawian ng buhay. Akala ko nga magkikita pa kami. Mula sa kulungan, tinulungan na ni Bert ang mister ko hanggang siya ay mamatay. 

Simula nang makulong siya hindi na kami nagkita. Nadalaw ko lang siya noong mga unang araw niya sa kulungan. Sinabihan niya ako ng huwag ko na raw siyang asahan pang makalaya. 

Si Bert ang tumulong sa akin habang nakakulong ang mister ko. Sinabi naman niyang may gusto siya sa akin. Pero buhay pa ang mister ko noong time na ‘yun. Kaya nirespeto niya ang pagiging magkaibigan nila. 

Sinabi na rin sa akin ni Bert na kung mawala man ang mister ko, gusto ng asawa ko na kay Bert ako mapunta. Para nga raw maalagaan ako ng mabuti. 

Sa totoo lang hindi naman mahirap mahalin si Bert kaso sa ngayon gusto ko lang muna na mabigyan ng konting panahon ang mga naiwang alala ng mister ko at aking pagluluksa. Hindi pa rin ako sigurado kung magiging maayos ang buhay ko Bert dahil minsan na rin siyang nakulong. May dalawang anak ako sa mister ko, hindi ko alam kung kaya niya kaming tanggapin at buhayin. 

Gelline

Dear Gelline, 

Pag-isipan mo muna ng mabuti ang magiging desisyon mo. Kaya ka nga ba buhayin ni Bert? 

Kung si Bert ay aasa lang din sa iyo at daragdag pa sa mga intintindihin mo ay maghunos dili ka. 

Pero kung nakikita mo naman na gaganda ang buhay ninyo at kaya ka niyang buhayin kasama ng mga anak mo ay gawin mo. 

Ipagdasal mo na maging tama ang desisyon mo, kung sakaling tanggapin mo ang pag-aaya ni Bert na magsama kayo. 

Isama mo na rin sa panalangin ang kanyang katapatan sa iyo at suporta sa iyong mga anak. 

Kung tunay kang  mahal ni Bert dapat gumawa siya ng paraan para maisaayos ang kalagayan ninyong mag-iina.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with