^

Dr. Love

Ka‘MU’ ang kasambahay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ni sa hinagap, hindi ko naisip na ang babaeng pinakasalan ko, limang taon na ang nakakaraan ay tamad at pabaya. Mabuti na lang at wala kaming anak ni Mildred. Lumitaw ang totoong ugali niya nang magsama na kami sa iisang bubong.

Ang masaklap pa ay nawili siya sa sugal. Madalas nasa kapitbahay at nakikipag-tong its. Noon pa ay sinisikap kong maging mahinahon na pakiusapan siyang magbago, pero mistulang manhid siya.

Mayroon kaming kasambahay. Siya si Elvie, 45 anyos na siya. Sa loob ng three years na pagli-lingkod sa aking pamilya, nagpakita siya ng sipag. Maayos lagi ang bahay namin at mahusay siya magluto. Nakita marahil niya ang pagkukulang ng asawa ko, kaya sinikap niya itong punan. Dahil dito ay nahulog ang loob ko sa kanya.

Pero nang mapansin niya ang magiliw kong pakikitungo sa kanya, agad niya akong pinangunahan. Huwag ko raw bigyan ng ibang kahulugan ang mahusay niyang serbisyo. Ginagampanan lang niya ang kanyang tungkulin.

Minsan akong naaksidente na naging dahilan ng pagkabali ng aking binti. Dr. Love, wala akong nakitang malasakit mula sa aking asawa. Tanging si Elvie ang siyang umaruga sa akin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko, kaya nagtapat ako ng pag-ibig sa kanya. Nakita ko na naiyak siya at hindi agad nakapagsalita. Tapos, sabi niya mahal din niya ako at naaawa siya sa akin, pero hindi siya papatol sa isang may asawa.

Nagkaroon kami ng mutual understanding pero iniiwasan namin ang pagdidikit ng aming katawan upang hindi makagawa ng kataksilan sa aking asawa. Wala sanang problema kay Elvie dahil biyuda siya.

Tama bang manatili siya sa bahay kahit wala kaming ginagawang kataksilan?

Eduardo

Dear Eduardo,

Maaaring ngayon ay wala pa, pero hanggang kailan kayo makakaiwas? Kahit gaano pa ang kapabayaan ng iyong asawa, hindi nagbabago ang estado ng inyong relasyon. At ang pag-ayon mo ng mutual understanding ay isang hakbang na para mahulog ka sa pakikiapid. Kaya bago pa masundan ang anumang pag-ayon mo sa pagitan ninyo ni Elvie, ang payo ko ay paalisin mo na siya sa inyong bahay. Maaaring nakapanghihinayang ang gaya niyang maasikasong kasambahay, pero hindi pa rin maitatama ang mali ng isa pang pagkakamali.

Dr. Love

vuukle comment

ELVIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with