^

Dr. Love

Hati ang pagmamahal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hiwalay po ako sa aking asawa sa nakalipas na dalawang taon at ngayon ay may binatang kinakasama. Nararamdaman kong mahal na mahal niya ako, sa kabila ng katayuan ko sa buhay.

Ang pangako niya ay tutulungan niya akong magpa-annul ng kasal sa dati kong asawa.

Pero ngayon ay nahahati ang atensiyon ko sa kanilang dalawa. Dahil unti-unti na kaming nagkakamabutihan ni Francis. Malimit na po siyang natutulog sa apartment na dati naming tinitirhan. At kahit alam niyang may karelasyon ako ay nagsisiping kami.

Mukhang nag-e-enjoy po siya sa malayang estado niya ngayon. Ang sabi pa niya, the more, the marrier.

Hindi po alam ni Nilo na may nangyayari sa amin ng dati kong asawa. At ngayon ay naguguluhan na ko dahil pareho ko silang mahal. Ano po ang dapat kong gawin? Payuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Diane

Dear Diane,

Ang tinatawag mong dating asawa ay nanati­ling asawa mo pa rin naman, dahil may bisa pa rin ang inyong kasal. Kaya ang ginagawa mong pakikipagrelasyon sa iba at pakikipagsiping sa iyong asawa ay parehong mali sa batas ng tao at mata ng Diyos.

Tutal naman ay nagkakamabutihan na ka­yong mag-asawa, bakit hindi ninyo ilagay sa ayos ang inyong relasyon? Nang pareho ninyong mapakawalan ang inyong mga sarili sa kasalanan ng pakikiapid.

Hindi maitatanggi na masasaktan si Nilo, pero mas makakabuti sa kanya na maghiwalay kayo. Dahil mali ang namamagitan sa inyo. Kung talagang mahal mo siya, hayaan mong makakilala  siya ng ibang magiging kapareha niya sa buhay.

Pero ako naman ay hanggang payo lang, nasa iyong pagpapasiya pa rin kung itatama mo ang iyong mga pagkakamali.

DR. LOVE

vuukle comment

PAGMAMAHAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with