^

Dr. Love

Nangangaroling din ang puso

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Advance Merry Christmas po sa inyo at ipinapauna ko ang taos-pusong pasasalamat ko sa pagbibigay-daan ninyo sa email ko.

Tawagin n’yo na lang po akong Jim, 20-an­yos. Mahilig po akong kumanta at sa katuna­yan, kasama  ako sa grupong nangangaroling sa iba’t ibang barangay ngayong taon.

Bukod sa kasiyahang hatid ng pagkanta, mas nagiging espesyal po ang bawat gabi ng aming pangangaroling dahil maging ang puso ko na lihim na nagtatangi kay Doris ay napapakanta ng todo.

Ang ikinalulungkot ko po, ilang araw na lang ay Pasko na at ang ibig sabihin nun ay malapit nang matapos ang masasayang gabi ko kasama si Doris. Ilang buwan pa lang kaming magkakilala at sa totoo lang po, aligaga ako kung paano na ang next move ko para mapalapit sa kanya.

Payuhan po ninyo ako.

Jim

 

Dear Jim,

Sa pagkakasulat mo, mukhang firstimer ka na magkaroon ng attraction sa iyong opposite sex. Pero alam mo, advantage na pareho ka­yong mahilig kumanta. At pwede mong ga­wing way ‘yun para mapalapit sa kanya.

Kung talagang dyahe ka pa, magyaya ka kasama ang grupo ninyo para lumabas at mag-videoke. Pwede rin na alamin mo kung may best friend  siya sa grupo ninyo na pwede mong makuhanan ng tips at ilan pang impormasyon tungkol kay Doris.

Sakaling sapat naman ang lakas ng loob mo, hingin mo mula sa inyong common friend ang cellphone number niya o kaya’y i-add mo siya sa iyong friendlist para kahit tapos na ang inyong caroling ay connected ka pa rin sa kanya.

Kapag stablish na ang connection na ‘to, unti-unti ka nang mag-reveal ng intention mo sa kanya. Tiyakin mo lang sa sarili mo na kasama sa kahandaan mo ay ang kabaliktaran ng maaaring reaksiyon niya sa pagtatangi mo.

Goodluck sa’yo.

Dr. Love

vuukle comment

ACIRC

ADVANCE MERRY CHRISTMAS

ANG

BUKOD

DEAR JIM

DR. LOVE

GOODLUCK

ILANG

KAPAG

MAHILIG

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with