^

Dr. Love

Nagdadalamhati pa rin

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr Love,

Kumusta po Dr. Love. I am one of your legions of readers. Tawagin mo na lang akong Peter, 30-anyos.

Nagluluksa ako ngayon sa pagkamatay ng aking live-in partner for five years. Namatay siya sa isang aksidente nang ang tricycle na sinasakyan niya ay nabangga ng isang kotseng nawalan ng preno. Maglilimang buwan na siyang wala. Mahal na mahal ko siya. Pati ang unang baby na nasa sinapupunan niya ay nawala dahil sa pangyayari.

Matagal kaming umasam na magka-anak at ngayon may nabuo sa kanyang sinapupunan ay saka pa siya nawala sa akin. Minsan, sinisisi ko ang Diyos sa masakit na pangyayaring ito.

Ano ang gagawin ko para mapawi ang ma­tinding pagdadalamhating ito? Gusto ko muling mabuhay ng normal pero parang mailap sa akin ito. Tulungan mo ako.

Peter

Dear Peter,

Hindi lang ikaw ang nakaranas ng ganyan. Pero hindi komo pinagmalupitan ka ng tadhana ay titigil na ang pag-ikot ng buhay. Life goes on Peter and life is beautiful.

Huwag mong isisi sa Diyos ang pangyaya­ring iyan. Ilagay mo sa iyong likuran ang iyong nakaraan at mabuhay kang muli.  Walang sugat na ‘di pinaghihilom ng panahon basta’t handa ang iyong puso na mag-move on.

Sa susunod, huwag ka nang makipag-live in. Kung gusto mong magkaroon ng partner ay pakasalan mo. That is the right thing to do na kalulugdan ng Diyos.

Dr. Love

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

DEAR PETER

DIYOS

DR LOVE

DR. LOVE

HUWAG

ILAGAY

KUMUSTA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with