^

Dr. Love

Torpe

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matandang binata kung bansagan ako ng aking mga kapatid at pinsang babae. Kasi lampas na akong 40-anyos ay hindi pa ako nakakaisip na mag-asawa.

Halos ipagtabuyan na ako ng aking ina sa panliligaw sa mga dalaga sa aming lugar. Pero hanggang sa pakikipagkaibigan lang ang nangyayari. Hindi naman sa wala akong type, natotorpe lang talaga ako.

Minsan, pinainom ako ng kaibigan kong si Tito. Dalawang shot na alak para raw magkalakas ako ng loob na sabihin kay Issa ang feelings ko. Pero wala ring epekto. Ang sabi ni Tito  kursunada rin ako ni Issa pero kung babagal-bagal ako baka maunahan ako ng taga ibayong munisipyo.

Halos hindi ako makatulog sa sinabi ng ka­ibigan ko. Kaya minsan, inabangan ko si Issa sa pagpunta niya sa bayan at sinabayan ko siya. Pumayag naman siya.

Ito na ang naging break ko, Dr. Love. Sunod ko siyang niyaya na kumain. Pumayag uli. Kaya sumundot pa ako at niyaya siyang manood ng sine. Pumayag din siya.

Dito na ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin sa kanya na mahal ko siya. Pinatunayan ko ito, hindi lang sa salita kundi pati sa gawa. Kaya naman, mag-asawa na kami ni Issa ngayon at mayroon nang tatlong anak.

Nalaman ko na pinagplanuhan pala ako nila Tito at Issa. Tinulungan ako ni Issa na ma­takpan ang pagiging torpe ko para mabigyan daan ang feelings namin sa isa’t isa.

Maraming salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa liham kong ito. God bless po, Dr. Love.

Gumagalang,

Pepito

Dear Pepito,

Masuwerte ka at nakatagpo ng isang babaeng marunong umunawa sa iyong kahinaan. Kaya ingatan mo ang swerteng ito sa buhay mo para manatiling masaya at mali­gaya ang inyong pamilya.

Maraming salamat din sa pagtitiwala mo na ibahagi ang iyong love life. Hangad ng pitak na ito ang patuloy na paglago ng inyong pagsasama ni Issa. Advance Merry Christmas. God bless you!

Dr. Love

vuukle comment

ADVANCE MERRY CHRISTMAS

AKO

DEAR PEPITO

DR. LOVE

ISSA

KAYA

MARAMING

PERO

PUMAYAG

TITO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with