^

Dr. Love

Mas mahal ang ex-boyfriend

-

Dear Dr. Love,

Kamusta na po! Isa po ako sa mga fans ninyo sa inyong column sa dyaryo, sana po ay mabigyang-daan ninyo ang aking suliranin sa pag-ibig.

Ako po ay may boyfriend pero nararamdaman kong hindi ko siya mahal dahil mas mahal ko po ang aking dating boyfriend. Hanggang nga­yon ay may komunikasyon pa kami pero madalang lang po kami magka-text o magkausap.

Itong present boyfriend ko naman po ay nagmamahal ng totoo sa akin pero hindi ko po talaga­ magawang ibaling sa kanya ang pagmamahal na ibinibigay ko sa aking naunang boyfriend.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Nawa’y matulungan po ninyo ako.

Truly yours,

Annie

Dear Annie,

Una sa lahat, hindi ka dapat nakipag­relasyon sa ibang lalaki kung hindi mo naman talaga type. Pero hindi na kita sisisihin. Marahil ay nadala ka lang ng paglayo ng unang boyfriend mo na mas mahal mo.

Huwag mo nang patagalin ang relasyon mo sa ikalawa dahil baka lalong lumubha ang situwasyon at mas malalim na sugat ang malikha mo sa lalaking nagmamahal sa iyo ng totoo pero hindi mo naman mahal.

Ang solusyon sa problema mo ay magpaka­totoo ka. Sabihin mo ang tunay mong damdamin sa lalaking umaasa sa iyo na mahal mo pero hindi naman pala.

Masasaktan siya sigurado pero walang sugat­ na hindi napaghihilom ng panahon.

Ang tanong ko lang eh…mahal ka ba naman­ ng dating boyfriend mo? Pag-isipan mong mabuti ang gagawin mong desisyon.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

BOYFRIEND

DEAR ANNIE

DR. LOVE

HANGGANG

HUWAG

ISA

ITONG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with