^

Bansa

Pambansang programa para sa dating bilanggo, isinusulong ni Sotto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pambansang programa para sa dating bilanggo, isinusulong ni Sotto
Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III.
Sotto via Facebook

MANILA, Philippines — Itinutulak ni Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III ang pagtatatag ng mas komprehensibong programa para matulungan ang mga dating bilanggo na makabalik at makapagsimula muli sa lipunan.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2281 o “National Reintegration Act,” itatatag ang isang pambansang balangkas na magbibigay ng suporta sa mga Persons Restored of Liberty (PRLs), kabilang ang trabaho, pabahay, edukasyon, serbisyong pangkalusugan at psychosocial support.

Ayon kay Sotto, mara­ming dating bilanggo ang nahihirapang makaha­nap ng trabaho, tirahan at muling­ makapag-ugnayan sa kanilang pamilya matapos silang mapalaya.

Kabilang sa mga panukala ang pagtatayo ng halfway houses, pagbibigay ng counseling, educational assistance, skills training at employment support. Layunin din nitong palawakin ang PhilHealth coverage, ipagbawal ang diskriminasyon sa trabaho laban sa mga dating bilanggo, at magbigay ng insentibo sa mga kumpanyang kukuha sa kanila bilang empleyado.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mangu­ngunang ahensiya sa pagpapatupad ng programa.

SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with