Voting treshold sa VP Sara impeachment trial dapat mas mababa sa 13 – Calleja

MANILA, Philippines — Iginiit ni Atty. Howard Calleja na dapat mas mababa sa 13 ang voting threshold ng mga senador-judge sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, dahil hindi lahat ng 24 na miyembro ng Senado ay nakikilahok sa paglilitis.
Sa isang forum sa Quezon City nitong Sabado, sinabi ni Calleja na ang Konstitusyon ay nagsasaad ng concurrence of two-thirds of all members, ngunit hindi tinukoy ang eksaktong bilang.
“We are applying two-thirds kasi tignan po natin ang batas, concurrence of two-thirds of all members. Hindi sinabing 16, hindi sinabing 24. So, movable po ‘yung number ng two-thirds, movable din ‘yung number ng all members,” ani Calleja.
Ayon sa kanya, dapat ibatay ang denominator sa aktwal na bilang ng mga senador na nagtratrabaho o nakikilahok sa impeachment court. Binanggit niya na tatlo hanggang apat na senador ang hindi nakakadalo: sina Sen. Rodante Marcoleta at Sen. Jinggoy Estrada na nakakulong sa Payatas Jail sa kasong plunder, at si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na umano’y nagtatago. Hindi rin nakakadalo si Sen. Loren Legarda.
Sa inisyal na ruling ni Senate Presiding Officer Senador Chiz Escudero, kailangan ang 16 boto para ma-convict si VP Sara, batay sa 2/3 ng kabuuang 24 na senador.
Upang linawin ang isyu, inimbitahan ng impeachment court ang mga dating Supreme Court justices para talakayin ang konstitusyonal na rekisitos sa pagboto ng 2/3 ng lahat ng miyembro ng Senado bago magpasya ang mga senator-judge.
Giit ni Calleja, hindi nakasaad sa Konstitusyon na dapat 16 ang boto o 24 ang base number, kaya’t dapat ibatay ang threshold sa aktwal na bilang ng mga dumadalo at gumaganap ng tungkulin sa impeachment court.
- Latest

















