VP Duterte isubpoena na sa impeachment court

MANILA, Philippines — Dapat umanong isubpoena na ng Senate impeachment court si Vice President Sara Duterte upang siya mismo ang magpaliwanag sa paggasta ng P612.5 milyong confidential funds, ayon kay Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr..
Giit ni Abante, isa sa mga endorser ng impeachment complaints, bilang respondent sa Articles of Impeachment ay nararapat na personal na humarap si Duterte sa mga senator-judges at sagutin ang mga alegasyon, sa halip na umasa sa kaniyang mga abogado at subordinates.
“Dapat nang talaga ma-subpoena na ang Vice President, siya na mismo ang humarap,” ani Abante. Dagdag pa niya, kung si Duterte mismo ang haharap, mabibigyan ito ng pagkakataong direktang sagutin ang mga akusasyon. “This is good for the Vice President… she will be able to answer all the allegations against her. At ‘pag siya ay na-subpoena, hindi naman ibig sabihin guilty siya,” paliwanag ng kongresista.
Binanggit din ni Abante na umabot na sa 21 araw ang paglilitis ngunit ni minsan ay hindi sumipot si Duterte. “The burden of proof is now on the defense lawyers kung anong gagawin nila,” aniya, sabay diin na nagawa na ng prosecution team ang lahat ng makakaya nito at nailabas na ang mga ebidensiya.
- Latest
























