^

Bansa

Pangulong Marcos dedma sa survey lead ni Sara’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos dedma sa survey lead ni Sara’
Vice President Sara Duterte
Vice President Sara Duterte via Facebook

MANILA, Philippines — Hindi nababahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa resulta ng mga survey kung saan nangunguna si Vice President Sara Duterte bilang posibleng hahalili sa kanya sa pagkapangulo.

Ayon sa Pangulo, nakikita niya ang mga numero sa survey ngunit hindi niya ito binibigyan ng bigat sa paggawa ng desisyon.

“It’s not that I don’t care. Of course, you care. You’re a politician. But only to a very small extent,” paglilinaw ni Marcos.

Dagdag pa niya, ang pagpapatupad ng polisiya ay nakabatay sa paniniwala na ito ang pinakamainam, at hindi dapat nakadepende sa survey dahil hindi nito natutukoy kung tama o mali ang ginagawa ng administrasyon.

Ayon pa sa Pangulo, kung mababa ang numero sa survey ay natural na nais mong gumanda ito. “Kung maganda naman ang mga numero mo, sasabihin mong ‘great,’ pero matapos manatili sa isip ng isa o dalawang minuto, babalik ka na rin sa trabaho,” aniya.

Batay sa pinakabagong pre-election surveys, nananatiling frontrunner si Duterte, habang pumapangalawa si Naga City Mayor Leni Robredo, na may siyam na puntos na agwat.

Nakarekober ang public satisfaction rating ni Marcos sa neutral territory nitong Hunyo 2026, matapos tumaas ng 14 puntos mula -13 noong Marso tungo sa +1, batay sa Social Weather Stations (SWS) survey na inilabas ngayong linggo.

Matatandaang tumakbo bilang tandem sina Marcos at Duterte noong 2022 national elections, kung saan sila ay nanalo sa pamamagitan ng landslide. Ngunit nagwakas ang tinaguriang “Uni-Team” noong kalagitnaan ng 2024 matapos kumalas ang Bise Presidente sa kasalukuyang admi­nistrasyon.

FERDINAND MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with