^

Bansa

Pro-China stand ni VP Sara, kinuwestiyon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pro-China stand ni VP Sara, kinuwestiyon
Philippine Vice President Sara Duterte (front R) leaves court after posting bail in Quezon City, suburban Manila on September 5, 2026.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ni House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang umano’y pagiging pabor sa China ng kampo ni Vice President Sara Duterte, at iniuugnay ito sa isang ­negosyong planong himayin ng ­prosecution panel.

Sa News Forum sa Dapo Restaurant sa ­Quezon City, sinabi ni Adiong na kapansin-pansin umano ang mga pahayag at tindig ng mga Duterte mula pa noong nakaraang administrasyon hanggang sa kasalukuyan, na aniya’y mas nakahanay sa nara­tibo ng Beijing kaysa sa ­paninindigan ng pamahalaan ng Pilipinas.

“Mukhang friendly sila sa narrative ng China. They’re not even hiding it,” ani Adiong.

Ikinonekta rin ng mambabatas ang isyu sa Gencorp Industries Inc., isang kumpanyang nakalista sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni VP Duterte bilang isa sa kanyang mga negosyo. Dati umano itong kilala bilang Timesquare Bee Foods Corp.

“Based on our information, this company is owned by a Chinese national,” sabi ni Adiong.

“Mukhang mayroong proximity in terms of engagement with the Chinese government or with any Chinese entity,” dagdag pa niya.

Iginiit ni Adiong na malinaw umano sa mga naging pahayag at posisyon ng mga Duterte ang kanilang pagiging pabor sa China.

Binigyang-diin din ng mambabatas na hindi dapat mamili ang mga opisyal ng gobyerno sa pagitan ng naratibo ng China at ng Pilipinas.

“Kapag public official ka, dapat awtomatikong ipinaglalaban mo ang interes ng bansa. Hindi ito dapat maging isang pagpipilian,” ani Adiong.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with