Kamote, Mango, Bacon, Keso, Pampano tumanggap ng confi funds - COA auditor

MANILA, Philippines — Tumanggap umano ng confidential funds noong 2023 ni Vice President Sara Duterte ang mga pangalan ng pagkain at mga kilalang apelyido na lumabas sa Acknowledgment Receipts (ARs).
Ito ang lumutang sa ika-14 na araw ng impeachment trial ni Duterte na ipinakita ni House private prosecutor Lorna Kapunan sa screen ang ilan sa 1,049 acknowledgement receipts (AR) na binasa at pinirmahan ng prosecution witnesses na si Xylene Del Campo, supervising auditor ng COA Intelligence and Confidential Funds Audit Office (ICFAO).
Lumabas sa pagdinig, ang mas mahabang listahan ng mga pangalang nakalagay sa mga AR na isinumite mismo ng OVP sa COA bilang mga nakatanggap umano ng confidential funds.
Kabilang sa mga nabanggit na mga pangalan ng pagkain tulad ng mga sumusunod: Pia Piattos Lim-P140,000; Ralph Josh Bacon-P150,000; Beverly Pampano- P130,000; Matthew Keso-P250,000 Nova Santos-P50,000; Miggy
Mango-P50,000; Connor Contis — P50,000.
Ang iba naman ay kapangalan ng mga kilalang personalidad o apelyido ng mga politiko kagaya ng: Heart Santiago-P250,000; Anne Ongpauco-P50,000; Jose Diokno Jr.- P120,000; Diane Maple Lapid-P150,000; John Lapid-P350,000; Clarisse
Hontiveros-P500,000; Kristine Estrada- P50,000; Denise Tanya Escudero-P120,000; Salah Casim- P180,000; Kokoy Villamin-P50,000; at Honeylet Camille Sy-P350,000.
Sabi ni Del Ocampo, problema pa rin na ang reward payments ay walang kasamang sapat na dokumentong magpapakita ng aktuwal na tagumpay ng information gathering.
“May pagkain na bacon. May parang kamag-anak ni Heart. Why did you not verify the names in the 1,049 acknowledgement receipts?” tanong ni Kapunan kay Del Campo.
Paliwanag naman ng COA auditor, ang trabaho lang ng ICAFAO ay gumawa ng compliance audit.
- Latest


















