^

Probinsiya

Tserman inutas ng tandem

Boy S. Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na muling binigyan ng pagkakataong makapagpatuloy sa kanyang tungkulin bilang kapitan ng barangay ang isang re-electionist matapos siyang mapaslang nang pagbabarilin ng isang riding-in-tandem naganap sa Brgy. Mabalas-Balas sa bayan ng San Rafael sa lalawigan ng Bulacan, Martes ng umaga.

Nagtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na nagresulta ng agarang kamatayan ng biktimang si Chairman Rodrigo “Kap.Igo” Rodriguez Jr., 50, residente ng naturang barangay.

Sa ulat na nakarating sa Kampo Alejo Santos dakong alas-6:35 ng umaga ay nagpunta ang biktima sa isang tindahan sa nasabing lugar upang bumili ng bigas at habang nagbabayad ito sa biniling pagkain ay biglang dumating ang mga salarin.

Dito na bumaba ang backrider ng sasakyan na kunwari ay bibili ng sigarilyo at nang mapalapit sa pakay ang suspek ay dito na binunot ang kanyang armas saka walang sabi-sabing pinaputukan ng ilang beses ang iba’t ibang bahagi ng katawan kabilang ang ulo nito na naging dahilan upang duguang tumumba ito habang sinamantala naman ng mga suspek ang pagkakataon saka tumakas sa hindi nabatid na lugar.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala mula sa .45 kalibre habang nakatutok ang pulisya sa anggulong away sa pulitika para sa nakatakdang barangay election ang pinaniniwalaang naging motibo ng pamamaslang sa biktima.

CHAIRMAN RODRIGO “KAP.IGO” RODRIGUEZ JR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with