^

Bansa

Mga pulis na online bashers ni Albayalde, pinaiimbestigahan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police Chief P/Director General Oscar Albayalde ang mga pulis na bumabatikos sa kaniya sa social media.

 Ito’y matapos  na mabasa ni Albayalde ang  ilang mga comments ng mga pulis sa facebook page na Buhay Lespu kung saan binira ang ginawa nitong pag-iinspeksyon laban sa mga pulis na natutulog sa oras ng trabaho at maging ang mga nag-iinuman.

Sinibak rin ni Albayalde ang ilang mga opisyal dahil sa dumi ng kanilang mga himpilan.

 Sinabi ni Albayalde na inatasan na niya ang PNP-Directorate for Information and Communications Technology Management para tukuyin ang mga basher niyang pulis.

 Ikinagalit ni Albayalde, dating hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakasuot ng  kanilang uniporme ang mga pulis sa araw pero sa gabi ay binibira ang pagiging istrikto niya sa trabaho kung gabi.

OSCAR ALBAYALDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with