^

Bansa

Pagbisita sa Germany nilinaw ni Robredo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ni Vice President Leni Robredo na pera ng taxpayers ang ginastos niya sa kanyang biyahe sa bansang Germany noong nakaraang linggo.
Ayon kay Robredo, ang kanyang pagbisita sa Berlin ay ginastuan ng  Friedrich Naumann Foundation (FNF).

“Taliwas sa  mga pekeng balitang kumakalat sa internet na ginastusan umano ito ng pamahalaan ng Pilipinas, walang halagang siningil sa pamahalaan,” paliwanag ni Robredo sa kanyang Facebook page.

Ibinahagi rin ni Rob­redo ang link tungkol sa study tour ng FNF.

Sa website nito, sinabi ng FNF na ang nabanggit na study visits ay nakabatay sa hangarin ng FNF na suportahan ang mga lider at decision makers sa pamamagitan ng pagbibigay ng platforms para sa pagbabahagi ng kaalaman at pakikipagdiyalogo sa mga opisyal sa Germany at iba pang mga bansa.

vuukle comment

TAXPAYERS

VICE PRESIDENT LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with