^

PSN Opinyon

OFW sa Syria Protektahan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TINATAYANG may 1-libong Pilipino ang nagtatrabaho sa Syria na ngayo’y nasa kritikal na situwasyon matapos bombahin ng mga magkakaalyadong puwersa sa pangu­nguna ng United States.

Inatake ng US, Britain at France ang nabanggit na bansa matapos umanong gumamit ng chemical weapon ang pamahalaan nito na ikinasawi ng dose-dosenang tao doon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ito sa ating mga OFWs sa ibang bansa. Kailangan, ngayon pa lang ay may nakalatag ng programa ang gobyerno para  mailikas sa ligtas na lugar ang ating mga kababayan.  Sa nakalipas na panahon na may ganitong situwasyon, matagumpay naman ang mga hakbang na naisagawa ng pamahalaan kaya manalangin tayo na ito ay magagawa uli sakaling kailanganin ng mga kababayan natin ang saklolo.

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga kababayan natin sa Syria na manatili sa kanilang mga tahanan matapos ang ginawang pambo­bomba ng Amerika, Britain at France sa mga military target sa Damascus.

Pero ang hindi paglabas ng tahanan ng mga Pilipino ay hindi sapat na hakbang-pangkaligtasan. Mass evacua­tion o repatriation ang kailangan para siguruhing hindi mapapahamak ang ating mga kababayan. 

Ginawa ang pambobomba sa Syria bilang tugon sa diumano’y paggamit ng gobyerno ng nasabing bansa ng chemical weapons. Tuloy-tuloy naman ang ginagawang pagmo-monitor ng pamahalaang Pilipinas  sa sitwasyon sa Syria matapos ang pag-atake.

 “The Department of Foreign Affairs is monitoring the situation in Syria in the wake of the missile strikes against various targets in Damascus and other areas. The Embassy has issued an advisory requesting our kababayans to stay in their homes until further advice,”pahayag ni Cato.

Sinabi rin ni Cato na walang naiulat na namatay na Filipino sa nangyaring pag-atake sa mga pasilidad ng militar sa Damascus. Wala pa ring natatanggap na request ang embahada mula sa mga Filipino na humihingi ng tulong o nagpapasaklolo. Tinatayang nasa 500 ang mga Pinoy sa Damascus at 500 naman sa ibang bahagi ng Syria.

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

SYRIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with