^

Metro

Punerarya na nag-iimbak ng nabubulok na bangkay, ipasasara

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na maipasara ang punerarya sa Maynila na nag-iimbak ng mga nabubulok na bangkay.

Ito ang sinabi kahapon ni Manila Mayor Joseph Es­trada­ kasabay ng kanyang ka­­­­utusan­ sa mga city hall ins­­pectors na pag-aralan ang ma­­aaring pananagutan ng funeral parlor dahil sa umano’y mali nitong pag-iimbak ng mga na­bubulok at umaalingasaw nang bangkay.

Ayon kay Estrada, hindi siya mangingiming ipasara ang Archangel Funeral Homes na matatagpuan sa Vicente G. Cruz St. sa Sampaloc kapag napatunayang nilabag nito ang Presidential Decree 856 o ang Code on Sanitation of the Philippines.

Pinangunahan ni Boyet San Gabriel, hepe ng Sanitation Division ang isinagawang inspeksyon sa Archangel nitong Martes matapos makatanggap­ ng reklamo sa umano’y ma­rumi nitong pag-iimbak ng mga hindi pa nake-claim na mga bangkay.

Sinabi ni Estrada na siya mismo ay nanlumo sa kondis­yon ng may tinatayang 23 bang­kay na nilagay lang sa sahig at nilalangaw at inuuod na at wala man lang takip.

Inatasan niya si San Gabriel na utusan ang naturang punerarya na ayusin nito ang kanilang paglabag sa loob ng anim na araw at kung hindi ay ipapabawi niya ang permit nito. 

Samantala, tiniyak  naman ng pamunuan ng Archangel Funeral na tatalima sila sa utos ng Manila Health Department­ na ayusin ang kanilang sistema sa pagtatabi ng mga bangkay.

Kasabay nito pinabulaanan­ ng Archangel na may mga na­bubulok o dinadaga ang ka­nilang mga patay. Masyado lamang umanong marami ang kanilang patay at walang kumukuha dito subalit hindi nila pinababayaan ang mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with