^

Police Metro

2 pedestrian utas sa hit and run

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa hindi na umabot nang buhay sa ospital ang dalawang lalaki matapos na sila ay mabangga at takbuhan umano ng isang van habang tumatawid kahapon ng madaling araw sa Roxas Boulevard, Parañaque City.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaking nasawi dahil sa natamong matinding pinsala sa katawan.

Hindi naman naplakahan ng isang testigo ang van na nakasagasa sa mga biktima maliban sa naiwan lamang ang bumper sa lugar ng pinangyarihan ng insidente.

Sa report, naganap ang insidente pasado alas-3:30 ng madaling araw sa northbound lane ng Roxas Blvd., Brgy. Baclaran habang tumatawid ang mga biktima at hindi nila namalayan ang mabilis na pagdating ng van kaya’t nasalpok, nasagasaan at nakaladkad ng ilang metro ang layo.

Hindi huminto ang nasabing driver ng van habang ang mga biktima  ay dinala ng rescue team sa naturang ospital, subalit kapwa nasawi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with