^

Probinsiya

Pugante may P1-M patong sa ulo, huli

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines – Balik kulungan ang isang bilanggo na may patong sa ulo na P1 milyon makaraang tumakas mula sa North Cotabato District Jail matapos na muling matimbog ng mga awtoridad kahapon ng umaga sa Brgy. Onica, Kidapawan City.

Kinilala ang preso na si Melvin Juanillo Casangyao alyas Hapon na nakatakas noong Enero 4 nang salakayin ng armadong grupo ang nasabing piitan. Pabalik-balik na rin sa kulungan si Casangyao dahil sa pagkakasangkot nito si ilegal na droga.

Nahuli si Casangyao ng pinagsanib na puwersa ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO, PIB, PPSC at Kidapawan City Police matapos silang makatanggap ng impormasyon sa pinagtataguan ng una. 

Magugunita na may 158 preso ang nakatakas matapos salakayin ang jail ng pinaniniwalaang mga rebelde na pinangunahan ni Kumander Esmael Nasser alyas Kumander Derbi na binayaran umano para i-rescue si Casangyao.

Karagdagang isang mil­yon piso at dalawang M60 machinegun ang ibibigay sa grupo ni Kumander Derbi kapag matagumpay umano na mapalabas si Casangyao. Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad sa nalalabing higit 50 pugante.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with