^

Probinsiya

Misis utas, 6 sugatan sa highway tragedy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang 48-anyos na misis habang anim naman ang sugatan makaraang magbanggaan ang dalawang traysikel sa kahabaan ng highway sa Brgy. Pandan, Alaminos City, Pangasinan kamakalawa ng hapon. Idineklarang patay sa Western Pangasinan District Hospital ang biktima  na si  Maria Jasmin Abarra habang sugatan naman sina Jero Abarra, 13; Erickson Mendez, 13; Kim Carlo Roy, 11; Luige Roy, 9; Richard Fontanilla, 24, driver ng trike  at si Danny Abrra, 45, driver naman ng ikalawang trike. Base sa imbestigasyon ng pulisya, tinangkang mag-overtake ni Fontanilla sa sinusundang sasakyan subalit nakasalpukan nito ang traysikel ni Danny. Sa lakas ng salpukan ay bumaliktad ang dalawang trike kung saan malubhang nasugatan si Jasmin na naisugod naman sa nasabing ospital subalit idineklarang patay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with